Lucky to be in love with my bestfriend...



January 14, 2011 marked a new chapter in our lives. We're no longer two bodies but one...

It was a joyous event shared with family, friends and suppliers. We are thankful to everyone who made that day possible and special. Thank you all for sharing with us that special day.

Please feel free to browse our blog and reminisce with us the moments leading to that memorable day.

Saturday, July 10, 2010

Disaster Day

Grabe! super duper bad trip, and at the same time sad, ako! ang stress level ko e to the highest level na talaga... hindi nga ako maka-react sa mga magagandang stories ng mga w@w sis ko dahil sa lungkot at inis ko...

let's start sa araw na in-schedule ko yung sukatan namin ng mga entourage ko... about a month ago, nagpunta ako sa stall ng mananahi sa divi na ni-recommend ng officemate ko. pangalawang balik ko yun sa kanila, dahil yung una e yung nagpa-quote ako sa kanila. nagpa-schedule ako sa kanila ng sukatan ng July 10, 2010, 2pm, sa apartment ko, kasi yung mama ko hindi dito sa manila nakatira, sa Davao. but she is scheduled to be here from June 26 to July 15, to attend my cousin's wedding scheduled on July 3. Ang sunod na balik nya dito sa manila e sa week na ng wedding ko... gusto ko sana samantalahin yung time na yun na nandito ang mama ko para masukatan sya ng maayos. so ayun nga, nagpa-sched ako sa mananahing ito... she asked for a downpayment dahil may extra bayad daw ang home service, pero wala ako dala pang-down that time kaya pumayag sya na 1k muna ang ibigay ko sa kanya and then dagdagan ko na lang sa araw ng sukatan. Okay naman, binigyan ako ng resibo at sinulat naman nya yung schedule ng measurement taking ko, kaya pag-alis na pag-alis ko dun sa stall nila, tinext ko na agad yung buong entourage ko pati na mama ko at FMIL ko.

fast forward... kahapon, sinamahan ko yung 2 kong bridesmaids sa stall nung mananahi dahil gusto na nila magpasukat ng una dahil hindi sila pwede sa schedule ng sukatan sa house ko. habang nandun kami sa stall nung mananahi, pina-alala ko uli sa mananahi yung appointment nya sa akin na 2pm, July 10, 2010.

Today, madami naka-line-up na gagawin ko... um-attend sa birthday party ng pamangkin ko sa pinsan ng 11am-1pm, umuwi bago mag-2pm at maghintay sa magsusukat at magpapasukat, pumunta sa Cornell's Tailoring para tumingin ng suits ni Jeric, at pagkatapos ay pumasok sa school ng 5:30pm.

natapos yung party ng anak ng pinsan ko past 1pm, kaya iniwan muna namin ni Jeric si mama, ate at mga pamangkin ko sa party para mauna na kami na maghintay sa mananahi sa bahay ko. sumunod naman sila mama, ate at kids sa bahay after nung party. nagsabi sa akin si mama na nagmamadali sya kasi sabay-sabay sila ng mga tita ko na umuwi sa bahay ng pinsan ko sa sucat. sa ngayon kasi dun sila nag-stay, then saka na lang siya mag-stay sa apartment ko pag-alis ng mga tita ko tomorrow. mga ilang minuto bago mag-2pm tinawagan ko yung magsusukat para tanungin kung saan na sya banda... hindi nya sinagot yung tanong ko pero sinabi nya malapit na daw sya... so sinabi ko sa mama ko, maghintay lang sandali...

around 2:45pm, dumating na yung ibang members ng entourage na susukatan. pero yung magsusukat wala pa rin... si FMIL at FSIL nagpasabi na in advance na hindi sila makakarating dahil may pasok si FSIL. tinatawagan ko na at tine-text yung magsusukat, pero hindi sumasagot sa text or tawag. tinext ko yung may-ari ng stall na wala pa yung tao nya, at nagreply naman na baka na-traffic daw...

3pm, naiinip na ang nanay ko... nahihiya na din kasi sya sa mga tita ko na haghihintay sa kanya... kaya hinayaan ko na sya umalis kasama nila dahil magkikita pa naman kami bukas hanggang sa thursday, at pwede ko pa sya masamahan sa divi para magpasukat.

3:30pm wala pa din yung magsusukat... tuloy-tuloy lang ang text ko at tawag ko sa kanya pero hindi sumasagot... yung may-ari naman ng stall, sumasagot, pero puro "malapit na daw sya" ang isinasagot sa akin... pati si Jeric, galit na kasi di na namin nagawa yung dapat gagawin naming pagpunta sa gumagawa ng suit para mag-canvass, plus yung mga susukatan naiinip na rin... tapos may klase pa ako ng 5:30pm. it was at this point na nagdecide na ako... I texted her na by 4pm kailangan ko na umalis pati na rin ang mga abay na magpapasukat at pag-alis namin wala nang aabutan yung magsusukat dahil wala nang maiiwan sa apartment. pero ganun pa rin ang text nung may-ari, malapit na daw yung magsusukat... grabe naman yung "malapit" nya na yun! magdadalawang oras na, puro "malapit na" pero wala namang dumadating!

4pm came pero yung mananahi, hindi pa rin dumarating! sobrang pikon na pikon na ako! niyaya ko na ang mga abay ko na sabay-sabay na kami umalis... hiyang-hiya akong humingi ng pasensya sa kanila sa pag-aksaya ng oras nila... pagkatapos ay umalis na kaming lahat... pagka-alis namin ay tinext ko pareho yung magsusukat at yung may-ari na umalis na kami dahil male-late naman ako sa klase ko... nung nasa Paco na kami ni Jeric dahil ihahatid nya ako, tumawag ang magaling na mananahi at ganito ang sabi nya...

(start)
mananahi:"ma'am, naka-alis na po ba kayo?",
me:(in walang-gana-voice) "oo. may klase kasi ako. malelate na ako. at tsaka umalis na yung mga abay ko.",
mananahi:"ah ganun po ba? nandito na kasi ako sa "Extensions" (parlor sa kanto namin) eh",
me: "e wala na kami dyan eh.",
mananahi: "ah ganun po ba? o sige po."
(end)

Grabe! ni di man lang nag-sorry na more than 2 hours syang na-late! grabe talaga! so sa inis ko, tinext ko yung magsusukat right after namin mag-usap na hindi naman lahat pwedeng maghintay ng ganun katagal... may mga nakaplano ding appointments at gawain ang mga tao... I told her, everyone expected na alas-2 sya darating dahil yun ang napag-usapan... pinadala ko din yung text na yun sa may-ari nung stall. nag-reply naman silang pareho na humihingi ng pasensya... but too late... i made up my mind... nung paalis pa lang kami ng bahay, alam ko na na ayoko na sa kanila! they are so unprofessional! walang respeto sa oras ng iba! at higit sa lahat walang respeto sa commitements nila! pano na lang kung sa wedding ko? ganyan din ang gagawin nila!?! hay... stress talaga... not to mention may mga nakikisabay pa sa stress...

medyo nag-lighten lang ng konti yung mood ko when i was in class. my students seem to have studied for their recitation. After my class, hindi ako masusundo ni Jeric kaya naman mag-isa na lang ako umuwi. bumaba ako sa 7-11 sa Faura St. para bumili ng inumin dahil uhaw na ako. May nakita naman akong taxi paglabas ko ng 7-11 kaya pinara ko na, para makauwi agad ako. while I was in the cab, my head was really spinning... I was thinking of my next step... I arrived home safe naman, but while I was opening my door I remembered that I was holding something when I got in the cab... my Civil Code Codal! it's the only thing I brought to class tonight because I forgot the book at the office yesterday. It was the very first Codal I had, which was given by a close friend when I started in law school... it had my notes, it has tabs which I made myself, it has highlights of the important articles... and most of all it help me survived for 4 years in law school, 1 year of Bar agony and 3 years of practice... it was really hard letting that codal go... pero wala na ko magagagawa... hindi ko na mahahabol yun...

right now... i am super sad and stressed... i need a new dressmaker for the entourage... and i need a new codal... it's easy to find a good dressmaker and i'm sure I can still find someone else who is better... but with the codal, I don't think i can say the same...

No comments:

Post a Comment